Ex-CAFGU pinatay sa sayawan
September 27, 2001 | 12:00am
MANITO, Albay Isang dating miyembro ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) ang nilikida ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang ang biktima ay nasa sayawan kamakalwa ng gabi sa Brgy. Cabacongan ng bayang ito.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Edgar Enojero, 35, may asawa ng Marquez St., Old Albay, Legazpi City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dumalo sa piyestahan at habang nakikipagsayaw ang biktima sa kaparehang babae ay nilapitan ito ng isa sa mga NPA rebels at inanyayahang lumabas sandali.
Subalit pagkahiwalay ng kaparehang babae ay pinaputukan na ito ng mga rebelde hanggang sa mapatay. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended