^

Probinsiya

9 treasure hunters naaresto sa sementeryo

-
Siyam na kalalakihan ang inaresto ng mga operatiba ng militar dahil sa pagsasagawa ng treasure hunting sa loob ng pampublikong sementeryo na naaktuhang nagbubukas ng nitso sa Marabut, Western Samar, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Kalaboso ang binagsakan ng mga nahuling treasure hunters na kinilalang sina Cornillo Bacolcol, Roberto Bacolcol, Garry Ampatin, Erinio Canales, Rizaliot Bacolcol, Roberto Bacolcol Jr., Eduardo Lacanaria, Ricardo Cabasio at Eduardo Ampatin, pawang mga taga-Marabut, Western Samar.

Ilan sa mga naarestong suspek ay nadakip sa aktong tinutungkab ang gintong ngipin at mamahaling mga alahas na suot pa ng isang kalansay na hinukay.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naaresto ang mga suspek ng mga elemento ng 52nd Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army at ilang mga barangay official, dakong alas-11 ng gabi sa loob ng isang sementeryo sa Barangay Tinabanan, Marabut.

Nabatid na ang pagkakalambat sa mga treasure hunter ay naganap matapos na makatanggap ng mga reklamo ang mga awtoridad mula sa ilang mga residente sa nasabing lugar hinggil sa nangyayaring paglapastangan sa mga nitso ng kanilang mga mahal sa buhay na pinagnanakawan ng mga suspek.

Nakumpiska mula sa pag-iingat ng mga suspek ang ilang mga kagamian sa paghukay, isang cal .45 pistol, cal .38 homemade revolver, 12 gauge shotgun, mga bala at mga personal na gamit ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

BARANGAY TINABANAN

CAMP AGUINALDO

CORNILLO BACOLCOL

EDUARDO AMPATIN

EDUARDO LACANARIA

ERINIO CANALES

GARRY AMPATIN

MARABUT

WESTERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with