^

Probinsiya

24 katao tiklo sa illegal fishing

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Sampung Pinoy at labing-apat na Intsik na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Berong, Quezon, Palawan ang dinakip ng mga elemento ng Phil. Coast Guard at PNP-Maritime Police kamakalawa ng umaga.

Nabatid na ang mga nasakoteng mangingisda ay lulan ng dalawang barkong may markang F/B Quezon-1 at F/B Quezon-2 na pag-aari ni Lucia Ong ng Poblacion, Quezon, Palawan.

Kinilala ni PRO4 Regional Director P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr. ang mga suspek na intsik na sina Shang Pen, Shau Pen, Dei llong, Sau Lie, Saw Uy, Lim Shau, Tha Ping, Chi Sawco, Ping Ping, Chi Zang, Teong Liang, Tai Pan, Hi Bin at Zuo Jam.

Samantala ang mga Pinoy naman ay nakilalang sina Celso, Manuel Dodoy, at Bernard Aborot; Nonoy Cello Wilson Favila Erlinda Balansag Jayson Favila, Andoy Vergara at Ching Lanuan.

Napag-alaman pa na ang mga barkong sinasakyan ng mga suspek ay dating may markang Qiong Qiongha-02038 at Qiong Qiongha-02039 na nasabat na ng mga awtoridad noong nakaraang Mayo 29, 2000. (Ulat ni Ed Amoroso)

ANDOY VERGARA

B QUEZON

BERNARD ABOROT

CHI SAWCO

CHI ZANG

CHIEF SUPT

CHING LANUAN

COAST GUARD

DOMINGO REYES

ED AMOROSO

QIONG QIONGHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with