Brgy. police pinatay ng 4 adik
September 25, 2001 | 12:00am
PAGBILAO, Quezon Isang barangay police ang napagdiskitahang pagsasaksakin hanggang sa mapatay ng isang grupo ng mga kabataang adik matapos na magresponde sa ginagawang pananaksak ng mga suspek sa isang mag-asawa sa Brgy. Mayjay sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Quezon PNP Director Supt. Roberto Rosales ang biktima na si Natalio Eubina, ng Brgy. Mayjay.
Samantala, tinutugis ngayon ng pulisya ang mga suspek na sina Eric Basan, Henry Andaya, Eduardo Andaya Jr. at Michael Barcomo na pawang mga residente ng naturang lugar.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-8:10 ng gabi ay naglalakad patungo sa kanilang bahay ang mag-asawang Abelardo at Lerma del Rosario nang makasalubong ang mga suspek at walang sabi-sabing inundayan ng saksak si Abelardo.
Dahil sa takot ay tumakbo ang ginang at humingi ng tulong sa nakatalagang barangay police subalit bago pa lamang nakalapit sa grupo ang huli ay sinalubong na ito ng sunud-sunod na saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan at agad na namatay. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest