^

Probinsiya

21 Intsik nasabat sa karagatan ng Palawan

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna–Umaabot sa dalawampu’t-isang Intsik na iligal na pumasok sa bansa ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng Palawan PNP at 412nd Provincial Mobile Group sa karagatan ng sakop ng isla ng Lumbugan at Mangsee sa Balabac, Palawan.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga nadakip na Chinese nationals na sina Lin Ci Ping, Huang Hai, Xi De Jin, Feng dQi Shin, Xi Deng Kao, Zen Clao, Zhen Fan Zing, Lin Dao Fang, Bang Ga Hin, Chen Zin Be, He Jing Neng, Li Xin Zu, Ding Zhi Quan, Li Xeng, Chen Xeng, Wu Jai Fung, Liang Di, Wei Qin Zin, Chen Jin Xiong, Huang Kin Qiao at Fu Hen Shen.

Ang mga nadakip na Intsik ay lulan ng fishing boat na may markang Xiong Hai 2078 na naglalayag at nakapasok na sa teritoryo ng bansa.

Base sa ulat ni P/Chief Insp. Alejo Acosta, hepe ng Balabac PNP station, tinangka pang manuhol ng halagang US$ 300 ang mga nasabat na Intsik subalit isinagawa pa rin ng mga awtoridad ang pagdakip.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na matapos na mamataan ang fishing boat ng mga nasabat na Chinese national ay may nakita rin ang mga awtoridad na isa pang barkong may lulang mga Intsik subalit mabilis na tumakas papalayo sa naturang karagatan. (Ulat ni Ed Amoroso)

ALEJO ACOSTA

BALABAC

BANG GA HIN

CHEN JIN XIONG

CHEN XENG

CHEN ZIN BE

CHIEF INSP

DING ZHI QUAN

INTSIK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with