53,000 sakong imported na bigas nasabat
September 25, 2001 | 12:00am
TABACO CITY Tinatayang aabot sa 53, 000 sako ng imported na bigas na tinangkang ipuslit sa magkahiwalay na pier ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Tabaco PNP Provincial Command, Bureau of Customs at Phil. Coast Guard sa daungan ng Tabaco, Albay at Catbalogan, Samar kamakalawa.
Batay sa ulat, ang mga saku-sakong imported na bigas na mula pa sa Thailand ay lulan ng barkong MV Great River at MV Criston na dumaong sa dalawang nabanggit na pier.
Nabatid kay PCG Commandant Vice Admiral Reuben Lista, unang nasabat ang barkong MV Criston na may lulang 35,000 sakong bigas mula sa Thailand.
Ito ay naka-consigned sa isang nagngangalang Antonio Chua at ang tumatayong shipper ay si Carlos Carillo.
Samantala, ang barkong MV Great River naman ay nadiskubreng naglululan ng aabot sa 18,000 sakong imported na bigas na tangkang ipuslit sa daungan ng Catbaloban, Samar patungong Tacloban at Leyte.
Naka-consigned naman ito kay Babe Arcamo at ang shipper ay Kitkat Enterprises ng Lapu-Lapu City.(Ed Casulla/Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest