Pabayang ama tinodas ng anak
September 24, 2001 | 12:00am
MASBATE CITY Isang 43-anyos na ama ang nasawi matapos na ito ay undayan ng saksak at pagtatagain sa ibat ibang bahagi ng katawan ng kanyang sariling anak sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Circulo, Barangay Biyong sa lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Gerardo delos Santos, may-asawa, walang trabaho at residente ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek na sumuko sa mga awtoridad ay kinilalang si Robert delos Santos, 21, may-asawa, magsasaka.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-10 ng umaga habang ang mag-ama ay nagkakaroon ng mainitang pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.
Napag-alaman na galit na kinompronta ng anak ang kanyang ama dahil wala na itong trabaho ay parati pa itong naglalasing at pinababayaan nito ang tungkulin sa pamilya.
Nagalit ang ama kayat sinaktan nito ang anak na kumuha naman ng kutsilyo at inundayan ng saksak ang ama.
Nanlaban ang ama subalit nakahagilap naman ng itak ang anak at pinagtataga nito ang ama.
Dahil sa tinamong tama ng ama ay kaagad itong nasawi.
Matapos ang insidente ang suspek ay kaagad na nagtungo sa himpilan ng pulisya at boluntaryong sumuko upang panagutan ang kanyang ginawang krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended