Magkaibigan nilikida ng NPA

Hanggang sa huling sandali ay magkasama ang dalawang matalik na magkaibigang police asset makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao City kamakalawa.

Kapwa dead on the spot ang mga biktimang kinilalang sina Ryan Martinito at PJ Taporco; pawang residente ng Brgy. 39-D, Davao City.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng hapon habang ang mga biktima ay naglalakad sa may tapat ng Tesoro Building, Panciano Reyes St., ng nasabing lungsod ng biglang ratratin ng mga suspect.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon matapos masi- gurong patay na ang kanilang target.

May teorya ang mga awtoridad, na ang mga biktima ay nasa hitlist ng NPA dahilan sa pagiging aktibo ng mga ito sa pagbibigay ng impormasyon hinggil sa illegal aktibidades ng makakaliwang kilusan. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments