^

Probinsiya

3 pulis naaresto sa pagnanakaw ng gasolina

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Tatlong miyembro ng pulisya na nakatalaga sa 308th Provincial Mobile Group (PMG) sa Nueva Ecija ang posibleng masibak sa tungkulin matapos na madakip sa isinagawang entrapment operation dahil sa pagnanakaw ng ilang drum ng gasolina sa isang malaking planta ng irigasyon sa Barangay Villa Rica, Pantabangan, Nueva Ecija, kamakalawa.

Sa ulat na tinanggap ni Chief Supt. Reynaldo Berroya, hepe ng Central Luzon-PNP, kinilala ang mga nadakip na pulis na sina SPO1 Virgilio Ramos, PO3 Ronnie Vicente at PO2 Edmar Diasen, kapwa nakatalaga sa 308th PMG na nakabase sa San Jose sa nasabing lalawigan.

Ang mga suspect ay dinakip sa isinagawang ‘‘entrapment operation’’ ng mga tauhan ng Nueva Ecija Police Office (NEPO) at kapwa naaktuhan ang mga ito na nagkakarga sa kanilang ginamit na military vehicle ng siyam na drum na puno ng gasolina na pag-aari ng Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project (CMPIPP) sa Barangay Villa Rica.

Ang mga nadakip na pulis ay pormal na itinurn-over kay Chief Insp. Peter Giubong, hepe ng 308th MPG at ngayon ay kapwa na ‘‘releave’’ sa kanilang mga tungkulin kasabay na isinasailalim sa isang masusing imbestigasyon. (Ulat ni Jeff Tombado)

BARANGAY VILLA RICA

CASECNAN MULTI-PURPOSE IRRIGATION AND POWER PROJECT

CENTRAL LUZON

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

EDMAR DIASEN

JEFF TOMBADO

NUEVA ECIJA

NUEVA ECIJA POLICE OFFICE

PETER GIUBONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with