Foreman pinatay ng kapitbahay

IMUS, Cavite – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang 29-anyos na foreman ng kanyang kapitbahay dahil sa kinimkim na galit ng huli kamakalawa ng hapon sa Barangay Pasong Santol, Imus, Cavite.

Ang biktima na nagtamo ng dalawang malalim na saksak ng patalim sa dibdib ay kinilalang si Nestor Romero, may asawa ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay kinilalang si Tom Sapupo, alyas Hapon.

Nabatid na bago maganap ang krimen ay nagkaroon pa muna ng mainitang pagtatalo ang dalawa dakong alas-5 ng hapon hanggang sa undayan ng saksak ang biktima na ikinasawi nito. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments