^

Probinsiya

P.4-M naholdap sa turistang Hapones

-
BUTUAN, Masbate – Aabot sa halagang P.4 milyon pera at mamahaling alahas ang naholdap sa isang turistang Hapones ng limang hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay bumisita sa kaibigan nito sa Barangay Canares kahapon ng madaling araw.

Ang biktima na nagreklamo sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Osaki Masaro, 48, samantala ang kaibigan naman ng biktima ay kinilalang si Jose Lusano ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, pinasok ng mga armadong kalalakihan ang bahay ni Lusano na kasalukuyang tinuluyan ng biktima dakong ala-1:30 ng madaling araw at nagdeklara ng holdap.

Walang nagawa ang biktima kundi ibigay lahat ang suot na mamahaling alahas, pasaporte at cash money dahil tinutukan na sila ng baril ng mga suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AABOT

BARANGAY CANARES

ED CASULLA

HAPONES

JOSE LUSANO

LUSANO

MASBATE

OSAKI MASARO

ULAT

WALANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with