200 sex workers may 'STD'

DAGUPAN CITY – Tinatayang aabot sa 200 kababaihan na nagbebenta ng panandaliang aliw sa iba’t ibang barangay sa lungsod na ito ang positibong may sakit na tulo (Sexually Transmitted Diseases).

Napag-alaman sa ulat ng municipal health office na aabot sa 500 commercial sex workers ang namamasukan sa may 12 disco pubs, 12 beerhouses, 3 massage parlors , 17 video bars at isang night club sa naturang lungsod.

Dahil sa paglaganap ng naturang sakit ay nagsagawa ng biglaang pagsalakay noong nakaraang Lunes ang mga tauhan ni P/Supt. Noli Talino sa lahat ng nabanggit na lugar upang masusing suriin ang mga kababaihan kung may medical certificate mula sa municipal health office. (Ulat ni Myds Supnad)

Show comments