Kinilala ng pulisya ang biktima na si Arturo Acosta, may asawa ng naturang lugar.
Natagpuan ng kanyang asawang si Generosa Acosta ang bangkay ng biktima dakong alas-8:30 ng umaga sa kanilang kuwarto na hawak pa ang baril na ginamit sa pagpapakamatay.
May teorya ang pulisya na hindi na makayanan pa ng biktima ang sakit na hika kaya nagpasyang magbaril sa sarili at namatay.
Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Mario Campus, binata ng nabanggit na barangay.
Naganap ang pananambang sa biktima dakong alas-11 ng umaga at inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen.
Ang biktima na sinamahan ng ina sa himpilan ng pulisya upang magreklamo ay itinago sa pangalang Rita, 14, habang ang sinampahan naman ng kasong rape ay nakilalang si Arsenio Guerzon, 42, magsasaka ng nabanggit din lugar.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang maitim na balak ng suspect sa biktima bandang ala-1:30 ng madaling araw ng nabanggit na petsa.
Nadiskubre lamang ang pangyayari makaraang mapansin ng ina na malimit na umiyak at matamlay ang biktima kaya naisiwalat nito ang mapait na karanasan sa sariling ama. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Christian Ryan Sta. Ana)