^

Probinsiya

Teacher nag-suicide sa kahihiyan

-
HAGONOY, Bulacan - Dahil sa matinding kahihiyang inabot mula sa kanyang mga kasamahang guro tungkol sa paninirang puri sa principal, isang high school teacher ang nagpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso at dalawang saksak sa katawan kamakalawa ng hapon sa Barangay San Pedro ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Faustino Dimaliwat, may sapat na gulang at guro sa isang pampublikong paaralan na hindi ibinulgar ang pangalan.

Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni P/Supt. Jose Carreon, hepe ng pulisya ng bayang ito, lumalabas na nagpaalam ang biktima sa pinapasukang eskuwelahan na pansamantalang magbabakasyon dahil sa natutunugan na nitong nabuko na ang kanyang estilong paninirang puri sa kanilang principal.

Magmula ng magbakasyon ang biktima ay hindi na ito nakitang lumabas pa ng kanilang bahay na pinaniniwalaan ng pulisya na napahiya na ito sa ginawa laban sa punong guro.

Bago pa maganap ang pagpapakamatay ng biktima ay malimit nang mag-away ang mag-asawa dahil sa naturang isyu hanggang sa magkulong na lamang sa kuwarto si Faustino.

Sa nakalap na impormasyon ng pulisya, hindi rin pinaunlakan ng biktima ang pagpapatawag sa kanya ng punong guro upang magpaliwanag sa nabanggit na isyu hanggang sa magpasya na lamang itong magpakamatay dahil sa umano’y kahihiyang inabot. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY SAN PEDRO

BULACAN

DAHIL

EFREN ALCANTARA

FAUSTINO

FAUSTINO DIMALIWAT

JOSE CARREON

KINILALA

MAGMULA

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with