^

Probinsiya

15 anyos ginahasa muna bago pinatay

-
PATNANUNGAN, Quezon – Pinaniniwalaang ginahasa muna saka pinatay ang isang 15 anyos na dalagita na ang bangkay ay natagpuang lumulutang at naaagnas na sa magubat na lawa malapit sa dalampasigan ng Sitio Cabangan ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Sa ulat na tinanggap ni Quezon PNP director Supt. Roberto Rosales,nakilala ang biktimang si Marilou Inescillado, at residente ng naturang lugar.

Ang bangkay ay natagpuan dakong ala-1 ng hapon matapos na ito ay nawala ng walong araw.

May dalawang tama ng saksak sa tiyan ang naaagnas na bangkay ng biktima at nakatali ng baging ang bibig nito at walang saplot ang pang-ibaba na palantandaang ginahasa ng di pa nakikilalang mga salarin.

Lumalabas sa imbestigasyon na noong Setyembre 4, taong kasalukuyan ay nagpaalam ang biktima na mangunguha lamang ng mga dahon ng litlit na ginagamit bilang nganga ng kanyang lolo at simula noon ay hindi na ito nakauwi.

Kasalukuyang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang mga salarin. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

KASALUKUYANG

LUMALABAS

MARILOU INESCILLADO

PINANINIWALAANG

QUEZON

ROBERTO ROSALES

SETYEMBRE

SITIO CABANGAN

TONY SANDOVAL

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with