Sa report na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, dakong alas-3:20 ng hapon ng gulantangin na lamang ang mga kasambahay ni Ampatuan ng malalakas na pagsabog sa paligid ng compound ng tahanan ng gobernador.
Agad namang nagresponde ang mga elemento ng 57th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Depayso na ineeskortan ng dalawang armor vehicle nang marinig ang malakas na pagsabog.
Sa puntong itoy nahinto naman ang pagpapakawala ng mortar ng mga suspek.
Base sa imbestigasyon, ang pinakawalang mortar na bumagsak may 70 metro ang layo sa tahanan ng gobernador ay nagmula sa kanlurang bulubundukin ng Brgy. Limpongo.
Wala namang naiulat na nasawi at nasugatan sa insidente subalit ang pangyayari ay lumikha ng matinding tensiyon sa mga supporters ni Ampatuan hinggil sa maaari pang paghahasik ng karahasan ng mga rebeldeng MILF.
Bunga nito, nagpakalat ng karagdagang puwersa ang tropa ng militar sa bisinidad ng Limpongo at Hill 150 upang mapigilan ang posible pang mga pag-atake ng grupo ng MILF. (Ulat ni Joy Cantos)