^

Probinsiya

Retiradong pulis nag-amok: 4 patay

-
SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan – Apat katao ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin nang nag-amok na retiradong pulis kamakalawa ng umaga sa Barangay San Martin Uno, Sapang Palay ng bayang ito.

Kinilala ni P/Supt. Rolando Macusi, hepe ng pulisya ng bayang ito ang mga biktimang nasawi na sina Maria Berengel, 60, biyuda; Christina Ramos, 40, may asawa; Rex Buroquina, 45, may asawa na pawang mga residente ng Block 25, Lot 5 Barangay Assumption ng naturang lugar at si Conrado Ocura, 45, may asawa ng nabanggit na barangay.

Samantala ang suspek na ngayon ay nakapiit sa PNP detention cell ay nakilalang si SPO3 Emilio Uy, Jr., 47, may asawa ng Block 69, Lot 7 ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na naganap ang pangyayari bandang alas-7:30 ng umaga makaraang magkaroon ng mainitang pagtatalo si Ocura at ang suspek habang ang tatlong nasawing biktima ay pinagmamasdan ang dalawang nagsisigawan.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng pulisya, inutusan ni Ocura ang kanyang anak na batang lalaki na bumili ng kape sa tindahan ng suspek na malapit sa kanilang bahay.

Subalit nagalit ang suspek sa anak ni Ocura dahil sa halagang P2 lamang ang halaga ng kape pero ang iniabot na pera ay P20.00 kaya ito nairita at sinigawan ang bata.

Dito na nagsumbong ang bata sa kanyang ama kaya kinompronta nito ang suspek hanggang sa mauwi sa pamamaril na ikinasawi ng apat katao. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BARANGAY ASSUMPTION

BARANGAY SAN MARTIN UNO

CHRISTINA RAMOS

CONRADO OCURA

EFREN ALCANTARA

EMILIO UY

MARIA BERENGEL

OCURA

REX BUROQUINA

ROLANDO MACUSI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with