^

Probinsiya

High school student patay, 4 grabe sa suwag ng tru

-
HERMOSA, Bataan — Isang estudyanteng high school ang iniulat na nasawi habang apat pang iba ang malubhang nasugatan makaraang suwagin ng rumaragasang truck habang ang mga biktima ay nag-aabang ng sasakyan sa kahabaan ng Roman super highway sa Brgy. Balsik ng bayang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktimang nasawi na si Sheila Mae Salcedo, 16, isang estudyante ng Lubao High School sa Brgy. Prado Siongco ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang mga biktimang malubhang nasugatan ay nakilalang sina Danilo Poblete, 30, Rodolfo Fernandez, 16; Michael Cabaiz, 19, at Melisa Fernandez, 7, na pawang mga residente ng naturang barangay.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-6:30 ng umaga habang nakatayo at naghihintay ng sasakyan ang mga biktima sa naturang lugar.

Nawalan umano ng kontrol ang minamanehong Isuzu truck (TWA-166) ni Romeo Igaya, 46, patungong norte kaya kinabig nito sa kinaroroonan ng mga biktima. (Ulat ni Jonie Capalaran)

BRGY

DANILO POBLETE

JONIE CAPALARAN

LUBAO HIGH SCHOOL

MELISA FERNANDEZ

MICHAEL CABAIZ

PRADO SIONGCO

RODOLFO FERNANDEZ

ROMEO IGAYA

SHEILA MAE SALCEDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with