Lolo nag-ala Superman, patay

DAET,Camarines Norte – Sa sobrang sama ng loob ng isang 60 anyos na lolo sa kanyang pamilya nag-ala Superman ito sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ibabaw ng tulay na naging dahilan ng kamatayan nito kamakalawa ng hapon sa bayang ito.

Nakilala lamang ang biktima sa pangalang Joaquin Pacao, na residente ng Basud, ng nasabing lalawigan batay sa nakasulat na isang suicide note na nakuha ng mga awtoridad sa katawan nito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-2:45 ng hapon na mag-isang naglalakad sa kahabaan ng Bridge 2 ng J. Lukban St.

Inakyat nito ang ibabaw ng tulay na may taas na 30 talampakan at biglang tumalon na bumagsak na una ang ulo sa sementadong kalye.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang isang suicide notes na nagsasaad ng labis nitong sama ng loob sa kanyang mga manugang, mga anak at mga apo na umano ay galit sa kanya. (Ulat ni Francis Elevado)

Show comments