Sa ulat na tinanggap ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, ang mga inaresto at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa P.D. 1866 (Philippine Fisheries Code of 1998) o Illegal Possession of Explosive ay nakilalang sina Arturo Paguio, 27, may-asawa, piloto at may-ari ng nasabing bangka na may pangalang Prince Junior; Alberto Alcala, 19, binata, boat engineer; ang tatlong tripulante na sina Elmo Manuel, 20, binata; Ramil Reyes, 23, may-asawa at Jonathan Canete, 19, binata, ay pawang mga residente ng Riverside St., Barangay Lamao, Limay, lalawigan ng Bataan.
Nabatid sa ulat ng pulisya na kasalukuyang nagpapatrulya ang Bantay-Dagat Patrol bandang alas-9:30 ng umaga sa nasabing lugar nang matanawan ng mga ito ang mga tripulante ng nabanggit na bangka na nasa kahina-hinalang mga kilos.
Nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng naturang bangka ang may 12 bote (750 ML size) na may mga lamang pulbura at may nakakabit na blasting cap, illegal fishing gear at equipment at 20 kilo ng ibat ibang mga klase ng isda na pinaniniwalaang nahuli sa paggamit ng mga nabanggit na explosives. (Ulat ni Efren Alcantara)