Obrero tinodas sa palayan

KAWIT, Cavite – Isang 42-anyos na lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagtatanim sa palayan, kahapon ng umaga sa Barangay San Sebastian sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Martinito Cueto, may asawa at residente ng nasabing barangay.

Samantala, ang mga suspek ay tumakas sakay ng isang Isuzu Hilander wagon na hindi nakuha ang numero ng plaka.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Ramon Legaspi, Jr., may hawak ng kaso, naganap ang krimen bandang alas-8:30 ng umaga habang ang biktima ay nag-iisang nagtatanim ng palay. Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen dahil walang alam ang pamilya na naging kaalitan ni Cueto. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments