Mister dinedo ng kumpareng ex-army
September 4, 2001 | 12:00am
Binangonan, Rizal Isang 59-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi makaraang pagsasaksakin ng kanyang kumpareng dating sundalo, kamakalawa ng hapon sa bayang ito.
Hindi na umabot pa ng buhay sa Angono District Hospital ang biktimang nakilalang si Roxas Monta, 59, may-asawa at residente ng Sitio Malitlit, Brgy. Tagpos, ng bayang ito.
Agad namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Cesar Baldomer, 25, binata, dating nakatalaga sa Camp Capinpin, Tanay, Rizal at residente ng naturang lugar.
Sa ulat ni SPO1 Joaquin Arcilla, imbestigador, nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:30 ng hapon sa harap mismo ng bahay ng biktima.
Nagkukumpuni ng kanyang pampasadang motorsiklo si Monta nang dumating si Baldomer na armado ng isang patalim at patraydor na sinaksak ang biktima mula sa likuran.
Ayon kay Arcilla, nagkaroon umano ng matinding pagtatalo sa pagitan ng suspek at biktima dalawang linggo na ang nakalilipas sa isang binyagan kaya naging magkumpare pa ang dalawa.
Napahiya umano ang suspek sa naturang okasyon at nagbanta na papatayin niya ang biktima. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 12 hours ago
By Cristina Timbang | 12 hours ago
By Tony Sandoval | 12 hours ago
Recommended