Kinilala ang mga biktima na sina Sgt. Pichie Juanites, Bobby Santua na pawang miyembro ng CAFGU; Lasam Samal, civilian volunteer at Cpl. Joel Aniego ng Armys 6th Infantry Division ng Phil. Army.
Ang naganap na pananambang kay Gov. Ampatuan ay ika-3 na magmula pa noong Abril at hinihinalang may bahid ng pulitika.
Ayon sa ulat ng pulisya, tinatahak ng sasakyan ni Gob. Ampatuan at naka-convoy naman ang mga sasakyan ng escort nito patungong Cotabato City ang kahabaan ng nabanggit na barangay nang harangin ng mga armadong kalalakihan.
Kaagad na pinaputukan ng B-40 rocket at assault rifles ang sasakyan ng sibilyan escort ni Gov. Ampatuan subalit kahit na sugatan ang mga biktima ay nakuha pa nitong makipagbarilan hanggang sa magsiatras ang mga armadong kalalakihan sa kagubatan.
Noong Abril ay tinambangan din si Gov. Ampatuan sa Brgy. Datu Odin, Sunsuat habang nangangampanya na ikinasawi ng tatlo.
Sinabi ni Norie Unas, tagapagsalita ni Gov. Ampatuan na katulad din noong nakaraang July na naganap ang pananambang kay Gobernador sa border ng Cotabato City at Sultan Kudarat, Maguindanao na ikinasawi ng 5 katao at ikinasugat ng 13 pang iba at pagkasunog ng 28 bahay. (Ulat ni John Unson)