^

Probinsiya

Gobernador nakaligtas sa ambush, 4 escort sugatan

-
COTABATO CITY –Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Maguindanao Gov. Datu Andal Ampatuan habang apat na escort nito ay malubhang nasugatan makaraang tambangan ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kahabaan ng Barangay Meta, kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Sgt. Pichie Juanites, Bobby Santua na pawang miyembro ng CAFGU; Lasam Samal, civilian volunteer at Cpl. Joel Aniego ng Army’s 6th Infantry Division ng Phil. Army.

Ang naganap na pananambang kay Gov. Ampatuan ay ika-3 na magmula pa noong Abril at hinihinalang may bahid ng pulitika.

Ayon sa ulat ng pulisya, tinatahak ng sasakyan ni Gob. Ampatuan at naka-convoy naman ang mga sasakyan ng escort nito patungong Cotabato City ang kahabaan ng nabanggit na barangay nang harangin ng mga armadong kalalakihan.

Kaagad na pinaputukan ng B-40 rocket at assault rifles ang sasakyan ng sibilyan escort ni Gov. Ampatuan subalit kahit na sugatan ang mga biktima ay nakuha pa nitong makipagbarilan hanggang sa magsiatras ang mga armadong kalalakihan sa kagubatan.

Noong Abril ay tinambangan din si Gov. Ampatuan sa Brgy. Datu Odin, Sunsuat habang nangangampanya na ikinasawi ng tatlo.

Sinabi ni Norie Unas, tagapagsalita ni Gov. Ampatuan na katulad din noong nakaraang July na naganap ang pananambang kay Gobernador sa border ng Cotabato City at Sultan Kudarat, Maguindanao na ikinasawi ng 5 katao at ikinasugat ng 13 pang iba at pagkasunog ng 28 bahay. (Ulat ni John Unson)

AMPATUAN

BARANGAY META

BOBBY SANTUA

COTABATO CITY

DATU ANDAL AMPATUAN

DATU ODIN

INFANTRY DIVISION

JOEL ANIEGO

JOHN UNSON

LASAM SAMAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with