Ang biktima na hindi pa nakikilala sa kasalukuyan ay tinatayang nasa edad na 20 hanggang 25, may taas na 52", maigsi ang buhok, naka-short pants na kulay brown at naka-bra ng kulay itim.
Sa pagsisiyasat ni PO3 Montano Ambid,na dakong alas-2:30 ng hapon nang matagpuan ng mga residente ang nakabigti na katawan sa ilalim ng Kaong bridge na may taas na 30 talampakan.
Hinihinala ng pulisya na ang biktima ay pinatay sa ibang lugar at doon lamang ito itinapon para umano mailigaw ang mga imbestigador.
Isinasailalim sa medico legal ang bangkay kung ito umano ay ginahasa muna bago pinatay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)