Ang biktima ay nakilalang si Gil Bautista, may-asawa, driver ni city councilor Remigio Tabok Dilag at residente ng nasabing barangay.
Samantala, ang mga suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang sina Michael Serrano, Dencio Creencia, isang alyas Ariel at magkapatid na sina Arnel at Ramon Feranil.
Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas-10 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang tahanan mula sa maghapong pagtatrabaho nang mapadaan ito sa grupo ng mga suspek na pawang nag-iinuman.
Inalok ng tagay ang biktima ng mga suspek na magalang namang tinanggihan nito na ikinagalit naman ng mga huli.
Kinompronta ng mga suspek ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa pinagtulungang gulpihin ang biktima.
Isang saksi ang nagsabi sa pulisya na habang pinagtutulungang gulpihin ng mga suspek ang biktima ay sinasabi ng mga ito na "huwag maging sipsip sa amo". (Ulat ni Mading Sarmiento)