^

Probinsiya

Driver ng konsehal na tumanggi sa tagay, ginulpi n

-
TRECE MARTIRES CITY, Cavite – Nasa kritikal na kondisyon ang isang 34-anyos na lalaki na driver ng konsehal ng lungsod na ito matapos gulpihin ng limang kalalakihan dahil sa pagtanggi nito sa tagay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Lapidario ng lungsod na ito.

Ang biktima ay nakilalang si Gil Bautista, may-asawa, driver ni city councilor Remigio Tabok Dilag at residente ng nasabing barangay.

Samantala, ang mga suspek na mabilis na tumakas ay nakilalang sina Michael Serrano, Dencio Creencia, isang alyas Ariel at magkapatid na sina Arnel at Ramon Feranil.

Sa pagsisiyasat ng pulisya na dakong alas-10 ng gabi ay naglalakad ang biktima pauwi sa kanilang tahanan mula sa maghapong pagtatrabaho nang mapadaan ito sa grupo ng mga suspek na pawang nag-iinuman.

Inalok ng tagay ang biktima ng mga suspek na magalang namang tinanggihan nito na ikinagalit naman ng mga huli.

Kinompronta ng mga suspek ang biktima hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa pinagtulungang gulpihin ang biktima.

Isang saksi ang nagsabi sa pulisya na habang pinagtutulungang gulpihin ng mga suspek ang biktima ay sinasabi ng mga ito na "huwag maging sipsip sa amo". (Ulat ni Mading Sarmiento)

ARNEL

BIKTIMA

BRGY

DENCIO CREENCIA

GIL BAUTISTA

MADING SARMIENTO

MICHAEL SERRANO

RAMON FERANIL

REMIGIO TABOK DILAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with