Pulis pinatay habang nakasakay sa patrol car

DONSOL, Sorsogon – Isang miyembro ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nakasakay sa patrol car sa Barangay Tupas ng bayang ito, kahapon ng umaga.

May tama ng bala ng baril sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang napatay na si SPO1 Deomedes Avellano, may asawa at nakatalaga sa Donsol Municipal PNP station.

Sa ulat ng pulisya, hindi nadamay sa pangyayari ang dalawang kasamang lalaki na naganap bandang alas-10:15 ng umaga habang nagsasagawa ng ‘Oplan Ordinance’ sa nabanggit na lugar. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments