Barangay Captain todas sa ambus
August 31, 2001 | 12:00am
MALVAR, Batangas Isang mayamang negosyanteng barangay captain ang iniulat na tinambangan at napatay ng mga hindi kilalang armadong lalaki habang pababa ng kanyang sasakyan sa Barangay Poblacion ng nabanggit na lugar.
Ang biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ay kinilalang si Edgardo Macandili, 42, may-ari ng Shell gas station sa Malvar, Batangas.
Samantala, ang mga suspek na naka-bonnet ay mabilis na tumakas sakay ng isang kulay puting Toyota Corolla na hindi nabatid ang numero ng plaka.
Si Macandili ay planong kumandidato bilang presidente ng Association of Barangay Captain sa Tanauan, Batangas.
Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7:45 ng umaga habang ang biktima ay bumababa sa kanyang Isuzu Fuego pick-up na may plakang JEM-117 sa gas station.
Ayon kay Arturo Perez, tagapamahala ng gas station ng biktima na nabanggit sa kanya ni Macandili na may nakagalit itong isa ring brgy. captain na balak din kumandidato sa pagka-pangulo ng ABC.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng krimen kung may kaugnayan ito sa sinabi ni Perez at kung may bahid ng pulitika. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest