^

Probinsiya

1 killer ng Irish priest nasakote

-
Matapos lamang ang mahigit 24 oras, naaresto ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar ang isa sa pitong killers ni Irish priest Fr. Rufus Halley na napaslang matapos manlaban sa mga kidnappers sa isinagawang raid sa Upper Ilijan, Balabagan, Lanao del Sur, kamakalawa.

Ito ang inihayag kahapon ni Philippine National Police (PNP) Spokesman, Chief Supt. Cresencio Maralit base sa report ni Malabang, Lanao del Sur Police Chief, Inspector Randall-Iyon Bueno.

Kinilala ni Maralit ang naarestong suspek na si Abdul Samad Ibrahim, driver ng get-away vehicle na ginamit sa bigong pagtatangkang dukutin si Fr. Halley na nauwi sa pagpaslang sa dayuhang pari na naganap noong Martes ng hapon sa Malabang, Lanao del Sur.

Sinabi ni Maralit na si Ibrahim ay nasakote dakong 5:45 ng hapon matapos silang maglunsad ng operasyon laban sa grupo ng nasabing anak ni Sairip Daing, alyas Commander Sumagayan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Upper Ilijan.

Inamin ni Ibrahim na ang anak na lalaki ni MILF Commander Sumagayan na si Akto Daing ang namuno sa planong pagdukot kay Fr. Halley.

Ang nasabing notoryus na si Akto rin umano ang siyang bumaril ng limang beses kay Fr. Halley matapos na mairitang masipa ito nang nagpupumiglas na dayuhang pari hanggang sa makatakbo.

Maliban kay Akto, ikinanta rin ng suspek ang iba pa sa kaniyang mga kasamahang kidnappers na isang alyas Ali, Dimasangkay at tatlong iba pa na di natukoy ang pagkakakilanlan.

Nabatid pa na ang itinuturong gunman ay pamangkin ni dating Vice Mayor Hadji Umar Masandang na natalo nitong nakalipas na May elections sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABDUL SAMAD IBRAHIM

AKTO

AKTO DAING

CHIEF SUPT

COMMANDER SUMAGAYAN

CRESENCIO MARALIT

HALLEY

IBRAHIM

LANAO

UPPER ILIJAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with