Nagduelo, magsasaka patay sa kagawad

INDANG, Cavite – Isang barangay konsehal at isang magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang magduelo sa pamamagitan ng baril dahil sa hindi magkasundo sa pinagtatalunang isyu kamakalawa ng hapon sa Brgy. Mataas na Lupa ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Felix Austral, 50, may asawa ng Brgy. Bancod at Allan Dealagdon, 46, may asawa ng naturang lugar.

Nabatid sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Gregorio Cuevas, may hawak ng kaso, naganap ang duelo dakong alas-5 ng hapon sa nabanggit na barangay at kasalukuyang inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pangyayari. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments