Ambush: Pulis todas, misis kritikal

Isang miyembro ng pulisya ang iniulat na nasawi habang ang asawa nito ay malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) habang ang mag-asawa ay papauwi sa Brgy. Lugunit, Margosatubig, Zamboanga del Sur, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na tinamaan ng maraming bala ng malalakas na kalibre ng baril sa katawan ay kinilalang si SPO2 Efren Lamjarate, dating nakatalaga sa 907th Police Mobile Group sa bayan ng San Miguel habang ang asawa nitong si Diosdada Senina ay kasalukuyang ginagamot sa Margosa- tubig Regional Hospital.

Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pananambang bandang alas-11 ng gabi sa harapan ng bahay ng isang nagngangalang Fernando Santiago sa naturang lugar nang bistayin ng bala ng baril ng mga hindi kilalang armadong rebelde ang mag-asawa. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments