^

Probinsiya

2 katao tiklo sa pagpupuslit ng alak

-
SUBIC BAY FREEPORT – Dalawa katao na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na kasangkot sa pagbebenta ng mga imported goods na binili sa duty free shops dito ang naaresto ng mga tauhan ng law enforcement department ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) kahapon.

Kinilala ng pulisya ang mga naarestong suspek na sina Jonathan Miranda, ng 93 14th St., New Kalalake at Grace Calma, ng 45 Natividad Street, Pag-Asa, kapwa sa lungsod na ito. Nasamsam sa dalawa ang 24 kahon na naglalaman ng 126 bote ng imported na Fundador at 48 bote ng Absolute Vodka na nagkakahalaga ng P86,700.00.

Ayon kay SBMA Intelligence and Investigation Office (IIO) Spcial Investigator Paquito Torres, ang mga suspek na sakay ng isang asul na Toyota Hi-Ace (NMA 173) ay inaresto makaraang madiskubre ni Officer Regin Arandia ang mga alak sa loob ng van. (Ulat ni Jeff Tombado)

ABSOLUTE VODKA

GRACE CALMA

INTELLIGENCE AND INVESTIGATION OFFICE

JEFF TOMBADO

JONATHAN MIRANDA

NATIVIDAD STREET

NEW KALALAKE

OFFICER REGIN ARANDIA

SPCIAL INVESTIGATOR PAQUITO TORRES

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

TOYOTA HI-ACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with