Mister nabalda dahil sa trike

DASMARIÑAS, Cavite – Naputulan ng paa ang isang 33-anyos na mister makaraang araruhin ng isang tricycle na nawalan ng kontrol sa kahabaan ng Brgy. San Mateo ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ruben Sarsilla, may asawa ng Brgy. Sta. Fe habang ang suspek na mabilis namang nadakip ay nakilalang si Joselito Gayo, 27, may asawa at driver ng tricycle na may plakang VL-9154 ng Brgy. Sta. Cristina ng nabanggit na lugar.

Ang pangyayari ay naganap bandang alas-8 ng umaga habang ang biktima ay bumibili ng buko sa kahabaan ng naturang lugar. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments