Iniwan ng syota, 'tibo' nagbigti

IMUS, Cavite – Dahil sa hiniwalayan ng kanyang syota ang isang babae na pinaniniwalaang tomboy ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti kahapon ng umaga sa Brgy. Toclong 1 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Andrea Manalo, 33 ng Villanueva St. ng nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ni PO1 Frederick Esguerra, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin ng nylon cord sa kisame ng bahay bandang alas-8:30 ng umaga.

Nakarekober ang pulisya ng suicide note na naka-address sa kanyang girlfriend na si Erlinda Danao na nagsasaad na hindi na makayanan ang paghihiwalay nilang dalawa kaya nagpasyang magpakamatay. (Ulat nina Cristina Go-Timbang/Mading Sarmiento)

Show comments