^

Probinsiya

Misis nabaliw dahil na sex slave ng lolo

-
NORZAGARAY, Bulacan – Isang 36-anyos na misis ang iniulat na nabaliw makaraang gawing sex slave sa loob ng isang taon ng isang caretaker na lolo sa Brgy. Matictic ng bayang ito.

Ang biktima na ngayon ay sumasailalim sa pagsusuri dahil nasiraan ng bait ay itinago sa pangalang Monica ng naturang lugar.

Habang ang suspek na ngayon ay nasa custody ng National Bureau of Investigation (NBI) ay kinilalang si Bonifacio de Guzman, 71 at caretaker ng mga iskuwater sa Garden Village sa Brgy. Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Lumalabas sa pagsisiyasat, dinukot muna ang biktima noong nakaraang Disyembre 4, 1999 saka dinala sa isang bakanteng bahay sa Brgy. Matictic at doon isinagawa ang maitim na balak ng suspek.

Nakuhang makatakas ng biktima noong nakaraang Enero 23, 2000 at inilihim nito ang pangyayari sa kanyang mister.

Napag-alaman pa sa ulat ng mga awtoridad na muling naulit ang pagdukot sa biktima noong Abril 9, 2000 saka ginawang sex slave hanggang sa makatakas at napilitang ipagbigay alam sa mga awtoridad ang pangyayari. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ABRIL

BONIFACIO

BRGY

BULACAN

DISYEMBRE

EFREN ALCANTARA

GARDEN VILLAGE

MATICTIC

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PULONG BUHANGIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with