Sa isang pahinang petisyon na may petsang Agosto 12, 2001na isinumite kay Daet Mayor Tito Sarion at mga miyembro ng Sangguniang bayan, nakasaad ang anim na dahilan upang sibakin sa puwesto si Daet Municipal Treasurer Manuel Sayson.
Ilan lamang sa inirereklamo laban kay Sayson ay ang pagkaantala ng remittances sa GSIS at Philhealth ng kinakaltas sa sahod sa mga kawani ng munisipyo; pagkabigo nitong maibigay agad ang share ng mga brgy. mula sa real property tax; ang pagiging arogante at ang paghingi ng komisyon o regalo sa ilang kawani upang mapadali ang loan applications sa bangko.
Pinabulaanan naman ni Sayson ang lahat ng akusasyong ipinupukol sa kanya at pawang paninira lamang daw upang maipuwesto nila ang ibang tao. (Ulat ni Francis Elevado)