Lolo todas sa karambola ng 3 jeep

ALFONSO, Cavite – Isang 50-anyos na lolo ang iniulat na nasawi habang lima katao pa ang malubhang nasugatan makaraang magkarambola ang tatlong pampasaherong jeep sa kahabaan ng Brgy. Tres ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Ernesto Dilag ng nabanggit na barangay habang ang limang sugatan ay sina Wilfredo De Leon, Miguel Dillo, Eustaquio Mojica, Editha Varina, Antonio Legaspi at Jaime Bilog na pawang mga pasahero ng jeep.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Dilag ay naipit ng tatlong sasakyan matapos na sunud-sunod na magbanggaan bandang alas-2 ng hapon. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments