Gayunman, sa ulat kahapon ng National Disaster Coordinating Center (NDCC), hindi pa natukoy ang pangalan ng dalawang nasawing biktima at maging ng apat na batang nawawala na pinangangambahang patay na matapos tangayin ng malakas na agos.
Ang flashflood ay bunga ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa lalawigan nitong mga nakalipas na araw matapos na umapaw ang Dipolog at Salug Diot Rivers.
Siyam na munisipalidad ang naapektuhan ng flashflood na kinabibilangan ng mga bayan ng Molave, Tambulig, Dumingag, Ramon Magsaysay, Salug Valley, Aurora at Kumalarang sa Zamboanga del Sur; Diplahan sa Zamboanga Sibugay at Sindangan sa Zamboanga del Norte.
Hindi na madaanan ang Mahayag at Dumingag matapos na bumagsak ang Mahayag bridge habang hirap pa ring daanan ang Pagadian City at Ozamis City.
May 50 pampasaherong bus ang stranded ngayon mula at patungo sa Buug, Zamboanga del Sur at Zamboanga City ang stranded sa nasabing lugar. (Ulat ni Joy Cantos)