CAFGU patay sa NPA rebels
August 13, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang armadong kalalakihan na nagpakilalang miyembro ng hit squad ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang tauhan ng Cafgu Active Auxilliary (CAA) sa Padre Garcia, Batangas, kamakalawa.
Ang biktima ay kinilalang si CAA Felix Dimaculangan, kasapi ng Cafgu sa ilalim ng 20th Special Forces Company (SFC) ng Phil. Army na nakabase sa Brgy. Puting Kahoy, Rosario ng nasabing lalawigan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang ala-1:35 ng hapon habang ang biktima ay nakaupo sa waiting shed ng Brgy. Cawongan sa bayan ng Padre Garcia ng maganap ang pananambang.
Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek at kinomander ang isang pampasaherong jeepney na may plakang DZA-969 na minamaneho ni Ireneo Silva na tumahak patungo sa direksiyon ng Rosario, Batangas.
Bago umano tuluyang tumalilis ang mga suspek ay tatlo pang armadong kasamahan ng mga ito na nagsilbing lookout ang sumama sa kanila sa pagtakas na sumigaw pa ng "Huwag kayong makialam mga NPA kami." (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended