^

Probinsiya

Amain tinodas dahil sa selos

-
Dahil sa sobrang panibugho at hindi matanggap na desisyon ng kaniyang ina, tinadtad ng saksak hanggang sa mapatay ng isang binata ang kanyang amain sa Iloilo City, kamakalawa.

Idineklarang patay sa Janiuay District Hospital bunga ng tinamong maraming tama ng saksak sa katawan ang biktima na si Dionisio Lenteja, 50, manggagawa habang naaresto naman ang suspek na si Ricky Mogato, 25, may-asawa, driver at residente ng Brgy. Tambail ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-9 ng gabi sa Brgy. Don Teburcio, Lutero West sa tinutuluyan ng biktima kasama ang hindi nakilalang ina ng suspek.

Lasing umano na dumalaw ang suspek at agad nitong kinompronta ang biktima.

Ayon sa mga kapitbahay ng biktima, masasakit na salita daw ang namutawi sa bibig ng suspek at sinisisi nito si Lenteja dahil sa umano’y kamalasan na dinaranas sa buhay ng kanyang ina matapos na muli itong mag-asawa.

Sa pakiramdam umano ng suspek ay tuluyang inagaw ng kaniyang stepfather ang atensiyon at pagmamahal ng kaniyang ina kaya’t nagawa ang krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BRGY

CAMP CRAME

DIONISIO LENTEJA

DON TEBURCIO

ILOILO CITY

JANIUAY DISTRICT HOSPITAL

JOY CANTOS

LUTERO WEST

RICKY MOGATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with