Pulis, 1 pa niratrat, todas
August 13, 2001 | 12:00am
Dalawa katao ang iniulat na nasawi kabilang ang isang pulis, samantalang dalawa pang bystanders ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Robert Hipolito, 25, nakatalaga sa Gapan Police Station at Rolando Roldan, 37, may-asawa ng Brgy. Sto. Cristo, Gapan, Nueva Ecija.
Ang mga nasugatang bystanders naman na isinugod sa Paulino Garcia Memorial Research Medical ay nakilalang sina Rosemarie Sagnit, 38, balut vendor at Marvin Sevillaga, 19, estudyante, pawang residente ng Burgos Extension ng Cabanatuan City.
Base sa inisyal na imbestigasyon, kagagaling lamang ng nasawing biktima sa bahay ni P/Supt. Anselmo Baluyot sa Brgy. Sangitan East ng naturang lungsod ng maganap ang insidente bandang alas-9:35 ng gabi.
Napag-alaman na pansamantalang huminto ang mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway sa kanto ng Burgos Extension upang bumuli ng sigarilyo ng biglang hintuan ito ng mga suspek na lulan ng isang kulay abong L-300 van na walang plaka.
Tinatayang anim na armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet ang bumaba sa van at sabay-sabay na pinaputukan ang mga biktima na kapwa dead on the spot.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 24 basyo ng M16 rifles, dalawang basyo at isang magazine ng cal .45 pistol. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 23 hours ago
By Cristina Timbang | 23 hours ago
By Tony Sandoval | 23 hours ago
Recommended