^

Probinsiya

2 alkalde kakasuhan ng Ombudsman sa kasong katiwalian

-
Inirekomenda kahapon sa Sandigambayan ng Ombudsman ang paglilitis laban sa dalawang alkalde ng Bukidnon at Sta. Rosa Laguna dahil sa kasong katiwalian.

Sa imbestigasyon ng Fact Finding Investigating Bureau (FFIB), si Sta. Rosa Laguna Mayor Leon C. Arcillas ay illegal na nag-issue ng temporary permit para makapag-operate ang paaralang Laguna Eastern Academy (LEA) na pag-aari ng isang nagngangalang Angelita Batitis, kahit walang permisong ibinibigay ang Department of Education Culture and Sports (DECS).

Nabatid pa rin sa rekord na wala ding permit ang nasabing eskuwelahan sa munisipalidad ng nasabing bayan upang makapagpatayo ng mga gusali nito.

Lumalabas na nagbigay ng malaking pabor si Arcillas kay Batitis kaya nagresulta naman sa pagkalugi ng lokal na pamahalaan dahil sa hindi pagbabayad ng kaukulang buwis sa pagtatayo at pag-ooperate ng nasabing eskuwelahan.

Kasabay nito’y ipinagharap din ng tanggapan ng Ombudsman ng dalawang ulit na kasong paglabag sa anit-graft and corruption practices at apat na ulit na kasong malversation of public funds si Lantapan, Bukidnon Mayor Teddy M. Pajaro dahil sa umano’y illegal na pagpapalabas ng pondong nagkakahalaga ng P310,000 para sa umano’y isang livelihood program ng nasabing bayan.

Ngunit, lumalabas sa imbestigasyon na ang nasabing halaga ay ipinalabas ni Pajaro ng walang kaukulang permiso at dokumento mula sa municipal budget officer nito.

Ikinatuwiran ng mga nasabing opisyal na ang nasabing halaga ay ibinayad sa isang nagngangalang Anecito Penar subalit wala namang naipakitang resibo ang mga ito. (Ulat ni Grace Amargo)

ANECITO PENAR

ANGELITA BATITIS

ARCILLAS

BUKIDNON MAYOR TEDDY M

DEPARTMENT OF EDUCATION CULTURE AND SPORTS

FACT FINDING INVESTIGATING BUREAU

GRACE AMARGO

LAGUNA EASTERN ACADEMY

NASABING

PAJARO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with