^

Probinsiya

2 traders na kinidnap nasagip, 3 suspek tiklo

-
Dalawang mayamang negosyanteng babae na panibagong biktima ng isang pinaniniwalaang big time kidnap for ransom (KFR) gang ang nailigtas ng mga operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) habang nasakote naman sa isinagawang pay-off ang tatlong kidnappers sa operasyon sa Dau, Pampanga, kamakalawa.

Ang mga nailigtas na kidnap victims ay nakilalang sina Hasmin Bonglarawan at Mona Pamanay, pawang mga businesswoman na dinukot noong Agosto 5 sa Novaliches, Quezon City, bago dinala sa Sunset Hotel sa Angeles City.

Nadakip naman ang mga suspek na sina Jeffrey Paderon, 24, salesman, ng Balong-Bato, Quezon City; Ric Reyes, 36, driver ng San Jose Concepcion, Tarlac at Cristy Gozon, 18 ng Dau, Mabalacat.

Iniharap ang mga suspek kahapon sa ginanap na press briefing sa Camp Crame nina PNP Chief Director General Leandro Mendoza at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Chief Supt. Nestorio Gualberto.

Nabatid na naunang pinalaya ng mga suspek si Bonglarawan upang ipaabot nito sa kanyang mga kamag-anak ang hinihingi nilang P2 milyong ransom money.

Nagbanta pa ang mga ito na papatayin si Pamanay sa oras na magkamali si Bonglarawan na magsumbong sa pulisya. Gayunman, nakipag-ugnayan pa rin ang pinalayang kidnap victim sa awtoridad hanggang sa itakda ang pay-off kamakalawa ng umaga sa harapan ng Jollibee food store sa Dau, Pampanga.

Gamit ang Toyota Corolla na may plakang UTK-520 ay dumating ang mga suspek sa pay-off site at nasa aktong tumatanggap ng P2 milyon na boodle money nang dakpin ang mga ito.

Matapos nito ay tuluyan namang naisalba ng pulisya ang isa pang kidnap victim na si Pamanay sa nasabing hotel. (Ulat ni Joy Cantos)

ANGELES CITY

BONGLARAWAN

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

CRISTY GOZON

HASMIN BONGLARAWAN

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with