^

Probinsiya

2 bagets na informer ng pulisya itinumba ng NPA

-
Dalawang bagets na umano’y informer ng pulisya ang pinagbabaril ng mga armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa Baganga, Davao Oriental.

Nakilala ang mga biktima na sina Joseph Francisco,18 at Melvin Cartin,19 na kapwa residente ng Sitio Kabutungan, Bgy. Kinablangan ng nasabing bayan.

Agad na namatay ang mga biktima sa insidente dahil sa mga tinamong tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Crame ng Police Regional Office 11, bandang alas-11 ng gabi nang abangan at bigla na lamang pagbabarilin ng mga suspek ang dalawang biktima sa bisinidad ng Sitio Kabuyawan ng nasabing lugar habang ang mga ito ay papauwi sa kanilang mga tahanan.

Matapos na masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa hindi malamang lugar.

Isang hot pursuit operation ang inilunsad ng Baganga PNP at 30th Special Forces Company ng Philippine Army laban sa mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BAGANGA

CAMP CRAME

DAVAO ORIENTAL

JOSEPH FRANCISCO

JOY CANTOS

MELVIN CARTIN

NEW PEOPLE

PHILIPPINE ARMY

POLICE REGIONAL OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with