Dahil sa lupa: Ama pinatay ng sariling anak
August 10, 2001 | 12:00am
CLAVERIA, Masbate Isang 58-anyos na ama ang namatay matapos na paghahampasin ng kahoy ng kanyang sariling anak dahil sa pag-aaway hinggil sa lupa sa Barangay San Isidro sa bayan na ito, kamakalawa ng umaga.
Nakilala ang biktima na si Uldarico Vello, magsasaka at residente ng naturang lugar.
Samantala, ang suspek ay nakilalang si Rolingo Vello, 24, may asawa, magsasaka, residente rin ng naturang lugar at nakaratay sa Claveria District Hospital dahil sa mga taga sa katawan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-11 ng umaga habang ang mag-ama ay nagkaroon ng matinding pagtatalo hinggil sa lupa.
Napag-alaman na ang biktima ay nagalit sa kanyang anak dahil sapilitan nitong hinihingi ang lupa na para sa kanya upang masaka.
Humantong sa mainitang pagtatalo ang diskusyon ng mag-ama kaya sa inis ng biktima ay bigla na lamang binunot nito ang itak na nakasukbit sa kanyang baywang at tinaga ang kanyang anak.
Ngunit kahit na may tama ng taga ang anak ay nagawa nitong makakuha ng isang pirasong kahoy sa kanyang tabi at hinampas sa ulo ang kanyang ama na naging dahilan upang ito ay bumagsak sa lupa at saka sunud-sunod na pinagpapalo muli sa ulo at katawan.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad sa loob ng pagamutan upang hindi ito makatakas at inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong parricide laban dito. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest