Pulis patay sa 3 NPA
August 8, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong armadong kalalakihang hinihinalang hitmen ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang isang pulis habang lulan ng motorsiklo sa Tagum City, Davao del Norte, kamakalawa.
Sabog ang bungo matapos na magtamo ng limang tama ng bala sa ulo ang biktimang si PO3 Danilo Algabre, nakatalaga sa Davao del Norte Provincial Police Office (PPO).
Batay sa ulat na ipinarating kahapon ng Police Regional Office (PRO) 11 sa Camp Crame, bandang 6:30 ng umaga habang ang biktima ay lulan ng kaniyang motorsiklo pauwi sa Bermudez Plains Subdivision ng pagbabarilin ng nag-aabang na mga suspek.
Tumilapon ang biktima sa motorsiklo, pagbagsak nito sa lupa ay ilan pang putok ang pinakawalan laban dito ng mga suspek.
Nang makasigurong patay na ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek lulan ng motorsiklo ng biktima na ginamit na get away vehicle.
Lumilitaw rin sa imbestigasyon na bago naganap ang pamamaslang ay ilang di kilalang kalalakihan ang nakitang umaaligid sa bahay ng biktima sa naturang subdivision.
Iniimbestigahan pa ang motibo ng krimen habang patuloy ang pagtugis laban sa mga salarin. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest