^

Probinsiya

Postmaster, trader dedo sa ambus

-
LINGAYEN, Pangasinan – Isang postmaster, trader ang tinambangan at napatay ng hindi kilalang armadong kalalakihan sa magkahiwalay na barangay habang ang mga ito ay lulan ng kanilang sasakyan noong nakaraang linggo.

Kinilala ng Pangasinan PNP ang mga biktima na sina Conrado Licudo, postmaster sa bayan ng Balungao at residente ng Brgy. San Pedro East, Rosales at Aurelio Herrero, 34, junk owner ng Brgy. Magtaking, San Carlos City.

Ayon sa ulat ng pulisya, si Licudo ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo patungong direksyon ng timog nang biglang bistayin ng bala ng baril ng mga suspek na sakay din ng motorsiklo sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Baket-Baket sa bayan ng Rosales noong nakaraang linggo.

Samantala, si Herrero naman ay inambus at napatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho ng kanyang L-200 pick-up sa kahabaan ng Brgy. Dorongan Punta sa bayan ng Mangatarem noong Biyernes.

Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na kasalukuyang kasama ni Herrero ang asawa subalit nakaligtas ito sa tiyak na kamatayan.

Patuloy na inaalam ng pulisya ang may gawa ng krimen at motibo ng pananambang sa dalawang biktima. (Ulat ni Cesar Ramirez)

AURELIO HERRERO

AYON

BAKET-BAKET

BRGY

CESAR RAMIREZ

CONRADO LICUDO

DORONGAN PUNTA

HERRERO

PANGASINAN

SAN CARLOS CITY

SAN PEDRO EAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with