Kinilala ng pulisya ang biktima na si Omeng Geronimo, 31, walang asawa, isang beautician sa isang sikat na parlor shop sa bayang ito at residente ng nabanggit na lugar.
Samantala, ang dalawang kasama ng biktima na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang sina Alma Arellano, 28, may asawa at Hector Garces, may asawa ng naturang ding lugar.
Nabatid na bandang alas-8 ng gabi ng nabanggit na petsa ay biglang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at maaktuhang nagpa-pot session bago binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.
Upang walang testigo sa krimen ay dinukot ng mga suspek sina Arellano at Garces.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Anselmo Baluyot, hepe ng Gapan PNP station, si Geronimo ay ika-13 katao ng pinatay ng mga hindi kilalang armadong grupo na may kaugnayan sa droga. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)