^

Probinsiya

Bading niratrat habang nagpa-pot session

-
GAPAN, Nueva Ecija – Isang lalaki na pinaniniwalaang bading ang binistay ng bala ng baril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang dalawa pa nitong kasamahan ay dinukot makaraang maaktuhang nagpa-pot session ang mga biktima noong gabi ng Agosto 2 sa Sitio Maisan, Barangay Sto. Niño ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Omeng Geronimo, 31, walang asawa, isang beautician sa isang sikat na parlor shop sa bayang ito at residente ng nabanggit na lugar.

Samantala, ang dalawang kasama ng biktima na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang sina Alma Arellano, 28, may asawa at Hector Garces, may asawa ng naturang ding lugar.

Nabatid na bandang alas-8 ng gabi ng nabanggit na petsa ay biglang pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima at maaktuhang nagpa-pot session bago binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril.

Upang walang testigo sa krimen ay dinukot ng mga suspek sina Arellano at Garces.

Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Anselmo Baluyot, hepe ng Gapan PNP station, si Geronimo ay ika-13 katao ng pinatay ng mga hindi kilalang armadong grupo na may kaugnayan sa droga. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

AGOSTO

ALMA ARELLANO

ANSELMO BALUYOT

ARELLANO

BARANGAY STO

CHRISTIAN RYAN STA

HECTOR GARCES

NUEVA ECIJA

OMENG GERONIMO

SITIO MAISAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with